Skip to main content

BAYAN NG LINGAYEN, BINIGYAN NG PAGKAKILALA SA GINANAP NA 4PS PARTNERSHIP SUMMIT

Binigyang parangal at pagkilala ang lokal na pamahalaan ng Lingayen sa pamumuno ni Mayor Josefina V. Castaneda sa ginanap na 4Ps Partnership Summit sa Star Monica Hotel and Resort, Lingayen,Pangasinan noong Oktubre 30,2025.
Kabilang sa mga iginawad ay ang mga sumusunod;
1. Support and Commitment to 4Ps Implementation in 2025
2. 4Ps Budget in the 2025 AIP
3. 4Ps Graduation Ceremony 2025
4. Formation of 4Ps Youth Group in 2025
5.Search for Model LGU Implementing 4Ps 2025 (Provincial Nominee)
Ang mga parangal na ito ay dahil sa pagpapaigting at maayos na implementasyon ng mga programa at proyekto para sa ating mga kababayan na kabilang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program(4Ps).
Samantala, binigyang pugay din ang Youth Volunteer Facilitators of Lingayen, bilang isa sa mga Civil Society Organizations (CSOs), na katuwang ng Municipal Social Welfare and Development Office-LINK at ng Local Youth Development Office (LYDO) sa pagsasagawa ng Youth Development Sessions. Ang YVFL rin ang natatanging youth organization sa buong rehiyon uno na na mayroong Memorandum of Agreement sa DSWD.
Kabilang sa mga dumalo at tumanggap ng mga sertipiko ay sina Mr. John Mark Mangapot ng LYDO, Ms. Pamela Santos ng MSWDO at si Ms.Angelica Borja ng Office of the Mayor.
Nagtungo din sa tanggapan ng alkalde ang mga kasapi ng MSWDO LINK kahapon, Nobyembre 3,2025, upang ipresenta ang mga nakamit na sertipiko.
Photos by: Mr. John Mark Mangapot

Click here: https://www.facebook.com/share/p/1FqDmZLDXu/

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan