Skip to main content

BFAR-FISHERIES SCHOLARSHIP PROGRAM (FSP)

BFAR SCHOLARSHIP PROGRAM INAALOK SA MGA LINGAYENENSE

Bukas na muli at nagsimula nang tumanggap ng aplikasyon para sa ‘2024 fisheries scholarship program’ ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa bayan ng Lingayen.

Ang BFAR-FISHERIES SCHOLARSHIP PROGRAM (FSP) ay isang programa na nagbibigay ng scholarship sa mga kabataang interesadong magpatuloy sa pag-aaral at pagkuha ng apat na taong kurso sa fishery.

Ang FSP o naturang scholarship program ay may tatlong components:
1. Fisherfolk Children Educational Grant(FCEG)
-Para sa mga estudyante na ang mga magulang o tagapag-alaga ay rehistradong mangingisda
2. Fisheries Industry Leaders Grant(FILG)
-Para sa mga estudyante na With Honors o estudyante na kabilang sa honor roll ng klase
3. Indigenous Cultural Communities(ICCs) / Indigenous Peoples(IPs)
-Para sa mga estudyante na ang mga magulang ay ICCs or IPs na kinikilala ng NCIP

Narito naman ang mga qualifications na dapat taglayin ng mga nais mag-apply:
– Ipinanganak na Pilipino
– incoming Senior High School (Grade 12) ngayong pasukan, (or high school graduate sa old curriculum) na hindi pa nag enrol sa college
– Hindi hihigit sa 25 anyos ang edad sa araw ng qualifying exam.
– Ang General Weighted Average (GWA) ay hindi bababa sa 80%
– May good moral character
– Ang mga magulang ay residente ng Lingayen sa nakalipas na anim na buwan at rehistrado bilang municipal fisherfolk. Kung hindi pa rehistrado, maaaring magparehistrado subalit kinakailang ang trabaho ng magulang ay fishery related activities tulad ng catching, culturing, processing, at marketing of fishery products.

Ang application form ay maaaring makuha sa tanggapan ng Municipal Agriculture Office o MAO Lingayen, o tumawag sa kanilang numero 09054805856. Maaari ding madownload sa www.bfar.gov.ph at isumite sa nabanggit na opisina. Sa Agosto 15, 2024 ang huling araw ng aplikasyon kasama ang mga requirements na nakalagay sa ibaba.
Ang matatanggap ay magkakaroon ng allowance na limang libong piso mula sa ahensiya, book allowance, ojt support, thesis allowance at graduation support. Bukod pa rito, may prebilehiyo rin ang mga benepisyaryo na pumili ng kanilang paaralan basta ito ay akreditado ng FSP.

Layunin ng programa na matulungan ang matatalinong anak ng mga mangingisda sa pag-papaaral at mai-angat ang antas ng kanilang hanap-buhay. (MIO_MRVinluan)
www.bfar.gov.ph
CTTO: Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Central Office Facebook Page

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan