BFP LINGAYEN, MAY BAGO NG HEPE


Nagsagawa ng isang courtesy call kay Mayor Leopoldo N. Bataoil ngayong araw, Hunyo 14, 2021 ang bagong talagang OIC Municipal Fire Marshal ng Bureau of Fire Protection o BFP Lingayen.

Malugod na tinaggap ni Mayor Bataoil si Fire Inspector Steven B. Olitoquit na pormal na ding umupo bilang acting MFM ng nasabing tanggapan.

Pinalitan ni Olitoquit ang dating hepe ng BFP Lingayen na si Senior Inspector Michael C. Samera na kasalukuyang sumasailalim sa online schooling at ang pansamantala ring naging OIC na si SFO2 Inri D Soriano.

Nangako naman ang bagong OIC Municipal Fire Marshal na ipagpapatuloy nito ang mga programa na nasimulan na, liban pa sa mga ipapatupad na fire safety and prevention activities at advancement ng may kalidad na pangunang serbisyog handog ng naturang ahensya.

Nagpasalamat din si Fire Inspector Olitoquit kay Mayor Bataoil pati na sa kanyang mga bagong kasamahan sa mainit na pagtanggap sa kanya.
Titiyakin umano nito ang buong kaligtasan ng mga kababayan sa tulong na rin ng buong pamunuan ng BFP Lingayen.

Nanilbihan si Olitoquit sa national headquarters ng BFP bago ito tuluyang italaga sa bayan ng Lingayen. (MIO)

Contact Info

#1 Bengson Street, Lingayen, Pangasinan, 2401

Phone: (075) 632-4337 Fax: (075) 632-4337 Email: lingayen.lnb[at]gmail.com

Phone Numbers

Mayor's Office(075) 632-4337
Lingayen Police(075) 206-0042
Fire Department(075) 542-7080
LDRRMO(075) 633-5702
DILG Office(075) 542-2396

See All Phone Numbers

Facebook Page

Documents

Copyright © 2019. Municipality of Lingayen, Province of Pangasinan. All rights reserved.

POWERED BY:

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan