Skip to main content

BIDA FUN RUN 2024 SA PANGASINAN, DINAGSA NG MGA KALAHOK

Buong pwersang naki-bahagi ang lokal na pamahalaan ng Lingayen sa pamumuno ni Mayor Leopoldo N. Bataoil na siya ring Presidente ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) Pangasinan Chapter sa programang “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” (BIDA) Fun Run 2024 na ginanap ngayong umaga, ika-4 ng Mayo, 2024 sa Capitol Beach Front, Lingayen na bahagi ng BIDA Anniversary ngayong taon.

Personal na dinaluhan ni DILG Secretary Atty. Benjamin “Benhur” C. Abalos at iba pang opisyal ng lalawigan at mga puno ng ahensiya kasama nag libo-libong Pangasinense ang naturang aktibidad na may layong palakasin ang kampanya laban sa iligal na droga.

Maliban sa Fun Run ay nagkaroon din ng Zumba ngayong araw bilang warm up at uoang i-promote na rin ang pag-eehersisyo at pangangalaga sa kalusugan ng bawat indibidwal.
Ang naturang program ay pinangunahan ng Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC) sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang ahensiya at lokal na pamahalaan sa probinsiya ng Pangasinan. (MIO)

📸MIO/CCacondangan/GcRueda/
📸CTTO

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan