Skip to main content

BLESSING NG 2-BAGONG TOURIST BUS NG LINGAYEN, GINANAP


‘Blessing’ kung ituring ni Mayor Leopoldo N. Bataoil ang panibagong service vehicle na nabili ng Lokal na Pamahalaan ng Lingayen na binasbasan ngayong araw ng Lunes, Hulyo 18, 2022.

Sa isinagawang flag raising ceremony, inanunsyo mismo ni Mayor Bataoil ang dalawang bagong tourist bus na gagamitin ng pamahalaan upang buhayin at palakasin pa lalo ang turismo sa bayan.

Ibinahagi din nito ang kasiyahan dahil kanya umanong nakikita ang progresibo at paunti-unting pag angat ng bayan na kanyang pinamumunuan– bagay na dapat umanong ipagpasalamat sa Poong Maykapal.

“I’m very happy that we are moving forward– with the right foot forward. So, it’s a blessed day. Let us thank Our Lord up above for all these blessings na tinatamasa natin ngayon.”

Dagdag pa nito, ang panibagong 2 sasakyan na nabili ay patunay lamang na nagagamit ng maayos ang kaban ng bayan. Muli din nitong ipinangako na ang lahat ng pondo ng lokal na pamahalaan ay gagamitin para sa kapakanan ng taumbayan.

“Every single cent of people’s money will be spent and will be used in a very transparent manner, accountable manner for the satisfaction of general welfare.”

Naroon din ngayong araw at suportado ng buong Sangguniang Bayan ng Lingayen ang mga magagandang programa ng alkalde.

Matatandaan na buwan ng Pebrero ngayong taon, 32 rescue vehicles ang binili ng LGU Lingayen para sa lahat ng mga barangay. Abril naman nang makabili muli ng pitong mga bagong sasakyan na ibinigay sa mga tanggapan ng GSO, LDRRMO, PNP at MENRO na gagamitin para sa emergency, search & rescue operation, at pagpapanatili ng peace and order.

Kasalukuyan ng napapakinabangan ang lahat ng mga nabanggit na service vehicles na mula mismo sa pondo ng LGU Lingayen na bunga ng masusing kolekyon at pag-iingat ng buwis na ibinabayad ng mga mamamayan. (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan