BLOOD DONATION PROGRAM, TAGUMPAY NA IDINAOS

Matagumpay na isinagawa ngayong araw, ika-8 ng Hunyo, 2022 ang blood donation program ng Lokal na Pamahalaan ng Lingayen sa pakikipagtulungan ng Region 1 Medical Center.

Bagamat inulan kanilang umaga, ang anim na oras na blood letting activity ay nakalikom ng 50 bags mula sa mga donors na binubuo ng mga kawani ng pamahalaan, non-government organizations, at mga pribadong indibidwal na pawang nagtungo sa Lingayen Civic Center upang mag-donate ng kanilang dugo at makatulong sa mga nangangailangan.

Kasabay ng nasabing aktibidad ay ang pagtitiyak na dumaan sa maayos na screening ang mga blood donors upang masiguro ang kanilang kaligtasan pati na ang mga magiging recipients ng dugo.

Dito ay kinuhanan ng mahahalagang vital signs tulad ng blood pressure, hemoglobin level, body weight, blood type at medical interview bago ang aktwal na pagbibigay ng dugo.

Ang aktibidad ay may temang “Dugo Mo, Dugtong ng Buhay Ko” na naglalayong makapag paabot ng tulong sa mga kababayang may mga malubhang karamdaman o sa mga emergency medical situations na nangangailangan ng masalinan ng dugo.

Kaugnay nito, pinasalamatan ni  Vice Mayor-Elect Mac Dexter Malicdem, may inisyatibo ng naturang programa, ang lahat ng mga nakibahagi at sumuporta sa naturang aktibidad.

“Kulang ang salitang salamat para sa ating mga kababayan maging sa mga taga ibang bayan na tumugon sa ating panawagan sa isinagawang Blood Donation Program ngayong araw… Bilang tayo ay mga Public Servants na binigyan ng mandato ng taumbayan para maglingkod, panawagan ko po sa lahat ng kawani ng ating gobyerno na huwag nating kakalimutan ang ating mga kababayan sa lahat ng ating mga pangarap, tandaan po natin na tayo ang kanilang unang naging pangarap noong mga panahong tayong mga kandidato ay humihingi ng suporta at tiwala sa kanila. To God be all the Praises and Glory! Salamat Lingayen”,   pahayag ng opisyal.

Maging si Mayor Leopoldo N. Bataoil ay nagpahayag din ng kanyang taos pusong pasasalamat sa mga kababayan. Sa katunayan, sinabi nito na bilang presidente ng League of Municipalities of the Philippines (LMP)- Pangasinan Chapter, ay kanya ring hihikayatin ang mga kapwa Lingkod ng Bayan mula sa iba’t ibang LGU’s na magsagawa din ng ganitong uri ng programa dahil tiyak aniyang makakatulong ito sa kanilang mga kababayan lalo na ang mga nasa bingit ng kamatayan na nangangailangan ng dugo na maisalba pa ang kanilang buhay. (MIO)

Contact Info

#1 Bengson Street, Lingayen, Pangasinan, 2401

Phone: (075) 632-4337 Fax: (075) 632-4337 Email: lingayen.lnb[at]gmail.com

Phone Numbers

Mayor's Office(075) 632-4337
Lingayen Police(075) 206-0042
Fire Department(075) 542-7080
LDRRMO(075) 633-5702
DILG Office(075) 542-2396

See All Phone Numbers

Facebook Page

Documents

Copyright © 2019. Municipality of Lingayen, Province of Pangasinan. All rights reserved.

POWERED BY:

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan