Skip to main content

BRIGADA ESKWELA 2024, INILUNSAD SA BAYAN NG LINGAYEN

BRIGADA ESKWELA 2024, INILUNSAD SA BAYAN NG LINGAYEN

Naipamalas ang pagkakaisa at bayanihan matapos ang pormal na paglulunsad ng Brigada Eskwela sa mga pampublikong paaralan sa bayan ng Lingayen.

Sa temang “Bayanihan Para sa Matatag na Paaralan,” binigyang-diin dito ang mga inisyatibo ng mga volunteers upang matiyak ang isang malinis, ligtas, inklusibo, at child-friendly na kapaligiran kasabay ng balik eskwela sa susunod na linggo.

Bukod sa mga guro, estudyante at magulang, boluntaryo ding tumulong ang ilang kinatawan ng lokal na pamahalaan, kapulisan, Bureau of Fire Protection o BFP Lingayen at Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO), Municipal Special Action Team (MSAT) at ilan pang mga non-governmental organizations o NGOs.

Bagama’t inulan ang unang araw dahil na rin sa sama ng panahon, hindi umano ito naging hadlang upang itigil ang naturang brigada eskwela.

“Naging challenge [sa brigada eskwela] yong lagay ng panahon dahil naging maulan. Pero tuloy pa rin yong activity. Dumating ang personnel ng BFP sa area at despite na umuulan, tinuloy pa rin yong paglilinis para sa kapakanan ng ating mga guro at paaralan.” pahayag ni Municipal Fire Marshal FINSP Neil Winston Navalta.

Naging aktibo din sa nabanggit na aktibidad ang mga tauhan ng LDRRMO Lingayen na nadeploy sa southern part ng bayan.

Bukod sa paglilinis at pag aayos ng mga classrooms, nakafocus ang mga nabanggit na personnel sa pag-trim ng mga malalaking puno sa loob ng paaralan upang hindi mabuwal at magdulot ng panganib sa mga mag-aaral sa panahong may malakas na ulan at hangin.

Samantala, nagpaabot naman ng mensahe ng suporta at pasasalamat si Mayor Leopoldo N. Bataoil para sa mga guro, magulang, mag-aaral, at mga volunteers na siyang aktibong nakilahok sa brigada eskwela ngayong taon.

Nakakataba umano ng puso na makitang nagkakaisa ang lahat tungo sa adhikaing mapaganda at maisaayos ang magiging ikalawang tahanan ng mga kabataan. Hiling niya na sana’y magpatuloy ang bayanihan spirit nang sa gayon masiguradong mayroong conducive learning environment ang mga bata na siyang mahalagang aspeto para sa kanilang epektibong pagkatuto. (MIO_MRVinluan/PJBayog)
CTTO

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan