Buntis Congress 2019 at National Children’s Month

TAGUMPAY NA IDINAOS SA LINGAYEN

Matagumpay na idinaos ang BUNTIS CONGRESS 2019 noong ika-29 ng Nobyembre, 2019 sa pangunguna ng Municipal Health Office at pakikipagtulungan ng pamahalaang bayan ng Lingayen na may temang “Pagbubuntis Kasiyasiya, Panganganak ay Biyaya”.

Tinatayang nasa 122 na mga nagdadalantao o mga buntis mula sa 16 barangay ng bayan ang dumalo sa nasabing programa na ginanap sa El Jardine, Alvear East, Lingayen.

Sa kanyang maikling mensahe bilang Guest of Honor and Speaker, ipinaalala ni Mayor Leopoldo N. Bataoil ang kahalagahan ng pagiging isang ina. Aniya, ito ay panghabang buhay na responsibilidad na dapat ipagmalaki.

Paliwanag pa ng alkalde, ang Buntis Congress ay isa sa pinaka mahalagang programa ng munisipalidad dahil dito umano nagsisimulang mabuo ang isang tunay na Lingkod Ng Bayan.

Inalala pa nito ang kabutihang ipinakita at ipinaramdam ng kanyang ina sa kanilang pitong magkakapatid. Ayon kay Mayor Bataoil, bukod sa kanilang padre de pamilya, maituturing din aniyang isang tunay na bayani ang kanilang ilaw ng tahanan dahil naitaguyod umano silang buhayin at palakihin ng disiplinado at may respeto sa kapwa.

Samantala, nagbahagi din ng kaalaman o lectures para sa mga buntis ang ilang kinatawan ng Rural Health Unit RHU I Lingayen na sinundan pa ng nakakaaliw na Beauty Pageant.

Bukod kay Mayor Bataoil, present din sa naturang aktibidad si Konsehal Dexter Gumapos na siya ring chairman ng Committee on Health.

Kasabay naman ng Buntis Congress 2019 ay ang tagumpay din na selebrasyon ng National Children’s Month na ginanap naman sa Lingayen Evacuation Center.

Dinaluhan ito ng mga Day Care Pupils mula sa iba’t ibang barangay kasama ang kani-kanilang mga magulang.

Unang nagbigay ng kanyang mensahe si Municipal Social Welfare Development o MSWD Officer Lorenzana Decena kung saan ipinaliwanag nito ang mga mahahalagang bagay na maaaring maging gabay ng mga magulang sa pagpapalaki ng kanilang mga anak.

Bagama’t wala naman sa nasabing aktibidad, nagpaabot pa rin ng pagbati si Konsehal Rasel Cuaresma na siyang chairman ng Committee On Women, Children, Elderly, Handicapped and Family Relations sa pamamagitan ng kanyang staff na si Mae Soriano.

Hindi rin nagpahuli si Konsehal Malicdem na present sa naturang programa at nagbigay pa ng aliw sa pamamagitan ng pagkanta ng isang awiting alay umano nito sa mga cute na chikitings at mga magulang.

Sa mensahe naman ni Mayor Bataoil, kanyang pinasalamatan ang mga magulang na patuloy na nagbibigay gabay sa kani-kanilang anak. Ayon sa alkalde, ang mga magulang ang nagiging sandigan ng mga kabataan upang maabot ng mga ito ang kanilang pangarap sa buhay.

Umaasa din ito na sa pagdaan aniya ng panahon, isa sa mga kalahok ay magiging isang matagumpay na konsehal, mayor at presidente o isang tunay na Lingkod Ng Bayan.

Samantala, kanya kanya din ng presentations ang mga daycare pupils tulad na lamang ng pagkanta at paglalarawan ng kanilang mga karapatan sa pamamagitan ng mga hawak nilang posters. (MIO)

Contact Info

#1 Bengson Street, Lingayen, Pangasinan, 2401

Phone: (075) 632-4337 Fax: (075) 632-4337 Email: lingayen.lnb[at]gmail.com

Phone Numbers

Mayor's Office(075) 632-4337
Lingayen Police(075) 206-0042
Fire Department(075) 542-7080
LDRRMO(075) 633-5702
DILG Office(075) 542-2396

See All Phone Numbers

Facebook Page

Documents

Copyright © 2019. Municipality of Lingayen, Province of Pangasinan. All rights reserved.

POWERED BY:

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan