Skip to main content

BUSINESS ONE-STOP SHOP INILUNSAD NGAYONG ARAW

Pormal na inilunsad ngayong araw ang Business One Stop Shop (BOSS) para sa aplikasyon ng bago at renewal ng mga business permit sa bayan ngayong ika-2ng Enero, 2024 na magpapadali at magpapabilis ng mga transaksyon ng mga negosyante sa bayan.
Ayon sa tanggapan ng Municipal Treasurer’s Office hindi na mahihirapan pa ang mga business establishments/owners sa bayan na mag apply at mag renew ng kanilang permit dahil sa naturang programa.
Sa halip kasi umanong magpunta sa iba’t ibang mga tanggapan, binuo na sa iisang lugar ang mga pangunahing opisina na may transaksyon sa BOSS.
Matatagpuan dito ang mga regulatory office na nagbibigay ng certification o clearance sa pagkuha ng business permit na kinabibilangan ng Business Permit and Licensing Office (BPLO), Municipal Health Office (MHO), Municipal Engineering Office (MEO), Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), Municipal Treasurer’s Office (MTO), Municipal Assessor’s Office, DTI, BIR, Bureau of Fire Protection at iba pa.
Kasama naman sa mga permit na maaaring mabilis na makuha sa One-Stop Shop ay ang mga sumusunod:
Building Permit
Electrical Permit
Electrical Clearance
MENRO Clearance
Valid Fire Safety Inspection Certificate
Occupancy Permit
Sanitary/Health Clearance
at iba pa.
Magtatagal ang naturang Business One Stop Shop hanggang sa ika 20 ng Enero ngayong taon kaya’t hinikayat ng Municipal Treasurer’s Office ang publiko na samantalahin na ang pagbabayad dito upang maiwasan ang penalty o multa.
Ayon kay Mayor Leopoldo N. Bataoil taon taon itong isinasagawa bilang bahagi ng Good Governance at Ease of Doing Business initiatives ng lokal na pamahalaan ng Lingayen upang mapabilis at maisaayos ang proseso ng aplikasyon ng mga makababayan na nais magnegosyo at magtayo ng pagkakakitaan habang tinatapos pa ang magiging permanenteng tanggapan ng One-Stop Shop sa loob mismo ng munisipyo ng Lingayen. (MIO_MRVinluan)
📸MIO/RCSoriano

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan