Buwan ng Kabataan 2026
Mula sa baybayin hanggang sa bawat barangay, Kabataan ng Lingayen ang maghahatid ng pag-asa! 

Maligayang Buwan ng Kabataan sa lahat ng aktibo, malikhain, at dedikadong kabataang Lingayense! Sa ating pagkakaisa at serbisyo sa bayan, patuloy nating ipamalas ang galing at husay ng kabataan.
Isang masayang selebrasyon sa pangunguna ng lokal na pamahalaan ng Lingayen sa pamumuno ni Mayor Josefina V. Castañeda, sa pamamagitan ng Local Youth Development Office-Lingayen at Sangguniang Kabataan of Lingayen, gayundin ng iba’t ibang departamento, ahensya at maging mga pribadong sektor, inihahatid namin sa inyo ang BUWAN NG KABATAAN 2026!