Skip to main content

BUKAS NA! | FOURTH QUARTER NATIONWIDE SIMULTANEOUS EARTHQUAKE DRILL (NSED) 2026

Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa Fourth Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) na gaganapin sa Nobyembre 5, 2026 (Huwebes), sa ganap na alas-9:00 ng umaga, upang higit na maunawaan at maisapuso ang mga wastong hakbang na dapat gawin sa oras ng lindol.

Magsisimula ang programa ng NSED sa ganap na alas-8:00 ng umaga, na susundan ng ceremonial pressing of the button sa alas-9:00 ng umaga bilang hudyat ng pagsasagawa ng Duck, Cover, and Hold at evacuation drill.

Bilang bahagi ng gawaing ito at pakikiisa sa paggunita ng World Tsunami Awareness Day, isasagawa rin ang isang Earthquake-Tsunami Scenario Exercise sa Lingayen, Pangasinan.

Sa pamamagitan ng sama-samang pakikilahok ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at pribadong sektor, layunin nating mapalawak ang kaalaman, mapalakas ang kahandaan, at maisulong ang kaligtasan ng bawat isa laban sa mga panganib na dulot ng lindol at tsunami.

For Emergency Response related concerns,
Please contact: Ldrrmo Lingayen
No. : (075) 653 7515
Mobile No. : 0919-099-2230
Municipal Information Office – Lingayen, Pangasinan

#ldrrmoinaction

#ldrrmorescue

#ldrrmolingayen

#IDAYewTayoyLingayen

 

 

 

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1F4GJdnU8R/

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan