Skip to main content

CENPELCO POWER ADVISORY

Dahil sa pananalasa ng Bagyong “Uwan”, marami po sa ating mga linya ng kuryente ang nasira. Sa kasalukuyan, lahat ng 69kV lines na minimintina ng CENPELCO at NGCP ay naka-deenergize, kaya’t ang buong nasasakupan ng CENPELCO — San Carlos City, Aguilar, Alcala, Basista, Bautista, Bayambang, Binmaley, Bugallon, Labrador, Lingayen Malasiqui, Mangaldan, Mangatarem, Sual, at Urbiztondo — ay kasalukuyang walang suplay ng kuryente mula pa kagabi.

Ang CENPELCO at NGCP ay nasa full alert at mahigpit na nagkakoordinasyon upang agad na maisagawa ang pagsusuri sa mga nasirang linya at pasilidad at mapabilis ang pagpapanumbalik ng suplay ng kuryente sa lalong madaling panahon.

Sa sitwasyon natin ngayon, nawa’y ipamalas nating muli ang diwa ng bayanihan na likas sa ating mga Pilipino. Kapag may mga natumbang puno o anumang hadlang sa ating mga linya, hinihiling po namin ang inyong pagtutulungan sa paglilinis ng paligid upang mapabilis ang restoration works. Gayunman, paalala po naming unahin palagi ang kaligtasan ng bawat isa.

Tunay na kapag sama-sama, anumang balakid o problema ay kaya nating lagpasan.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pag-unawa, suporta, at tiwala sa ating Kooperatiba.

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1AidDHxtXZ/

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan