CLEANING OPERATION!
Nagsagawa ng cleaning operation ang lokal na pamahalaan ng Lingayen sa pamumuno ng ating mahal na Mayora, Hon. Josefina “Iday” V. Castaneda sa Bengson Street, Brgy. Poblacion (Jungle Area). Ang tanggapan ng MENRO ang siyang nanguna sa isinagawang paglilinis sa nasabing lugar.
Nagsagawa din ng pakikipag-usap ang MENRO designate na si Mam Grace A. Satuito sa ilang mga residente at pinakiusapan silang gawin ang “waste segregation” at ang wastong pagsasaayos at pagtatapon ng kanilang mga basura.
Tunay na tamang disiplina ang kailangan sa anumang gawain tulad ng kung paano bigyang pagpapahalaga ang ating mga basura at ang ating kapaligiran.
#IsangMakaKalikasangSerbisyoSaLahat
#IDAYewtayoyLingayen
Please click link for more information: