Skip to main content

Clearing ng Side-Walk sa mga Sagabal sa Daan, Muling Paiigtingin

Dahil sa nararanasang pagsikip ng daloy ng trapiko, muling nagkasa ng Road Clearing Operation at Information Dissemination sa publiko ang lokal na pamahalaan ng Lingayen patungkol sa umiiral nitong Anti-Road Obstructions Ordinance.
Maagang idineploy ang mga tauhan ng Task Force Lingayen/QRT Personnel, POSO Personnel, Local Disaster Risk Reduction and Management Office o LDRRMO Lingayen at PNP Personnel upang magkatuwang na isagawa ang nasabing operasyon kahapon, November 22, 2023.
Nagsimulang linisin ng mga nasabing tauhan ang kahabaan ng Solis St. Brgy. Poblacion, na kung saan ay inaalis ang mga nakakasagabal sa mga lansangan.
Layunin ng aktibidad na ito na magkaroon ng mas malawak sa espasyo ang magkabilang bahagi ng daanan na siya ding itinuturing na main road upang hindi ito maka-abala at hindi magdulot ng pagbagal ng daloy ng mga sasakyang dumadaan dito.
Ilan sa isinagawa sa nasabing operasyon ang pagalis sa mga sasakyang nakaharang sa daanan gayundin ang pagpapaalala sa mga may-ari ng mga nakaparadang motorsiklo o mga nagsagawa ng iligal na parking sa gilid ng kalsada.
Maging ang mga may-ari ng business establishments ay sinabihan din na mahigpit na ipinagbabawal sa batas ang paglalagay ng mga iba’t-ibang uri ng gamit o mga paninda na maaring makasagabal sa side walk.
Asahan naman na posibleng maging regular na ang pagsasagawa ng naturang operasyon upang masiguro tinutupad ito ng mga nakatanggap ng warning o paalala.
Samantala, binigyang linaw ng POSO Lingayen na posible ng mabigyan ng citation ticket na nagkakahalaga ng isang libong piso (P1,000) ang mga mahuhuli muling magsagawa ng illegal parking sa susunod nilang monitor.
Umaasa naman ang LGU Lingayen sa pamumuno ni Mayor Leopoldo N. Bataoil na makiki-isa ang publiko sa pagpapatupad ng Road Clearing Operation upang makabawas sa mabigat na daloy ng trapiko lao’t rush hour gayundin sa mga ilang mga hakbangin ng pamahalaan upang maging ligtas ang publiko lalo na ngayong panahon ng Kapaskuhan at mga pagdiriwang. (MIO_MRVinluan)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan