COASTAL CLEAN-UP DRIVE IDINAOS BILANG PAGTATAPOS NG PISTA’Y DAYAT 2023
Matagumpay na isinagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Lingayen katuwang ang Provincial Government ang isang malawakang Clean-Up Drive sa bahagi ng Lingayen Baywalk.
Nagtulungan ang iba’t ibang sektor ng komunidad tulad na lamang ng PNP, BFP, GSIS, DILG, LDRRMO at iba’t ibang tanggapan ng LGU Lingayen, SK Officials at mga Brgy. Officials upang linisin at tanggalin ang mga basurang naiwan sa nabanggit na lugar.
Layunin ng aktibidad na mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa baybayin at beach front lalo na’t katatapos lamang na ipagdiwang ang Pista’y Dayat o Festival of the Sea na dinaluhan ng mga bisita at turista mula sa iba’t ibang lugar.
Karamihan sa mga nakolektang basura ay plastic wrappers, plastic cups, bottles, face masks, lata at upos ng sigarilyo na nakatakdang dalhin sa material recovery facilities.
Samantala, kaugnay dito, nagpahayag si Mayor Leopldo N. Bataoil at Vice Mayor Mac Dexter Malicdem ng taos pusong pasasalamat sa lahat ng mga nakilahok sa nasabing aktibidad partikular na ang mga kawani ng lokal na pamahalaan. Asahan umano na ipagpaatuloy ang kasalukuyang administrasyon na isulong ang mga programang naglalayong protektahan ang kalikasan at mga karagatan na pangunahing pingakukunan ng kabuhayan ng mga taga Pangasinan. (MIO/MRLlanillo)