Skip to main content

COMELEC LINGAYEN BUKAS TUWING SABADO PARA SA MGA PAGPAPAREHISTRO

Inanunsyo ngayon ng Commission on Elections o COMELEC Lingayen na bukas na ang kanilang opisina tuwing araw ng Sabado.

Sinabi ng naturang tanggapan na sisimulan na nila ang pagtanggap ng applications para sa voters’ registration mula Martes hanggang Sabado, kabilang ang holidays mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Sarado naman ang kanilang opisina tuwing Lunes dahil ito umano ang araw na kanilang inilaan para sa pag-disinfect o disinfection day, upang masigurong ligtas ang mga empleyado pati na ang mga magpaparehistro laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Matatandaang dati ay isinasagawa ang voter registration mula Lunes hanggang Huwebes mula 8:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon lamang.

Sa pagnanais naman na mas maraming bagong botante ang makapagpatala ay nagpasya ang COMELEC na magsagawa na rin ng Saturday voter registration at pahabain pa ang oras nang pagpaparehistro.

Batay sa tala ng COMELEC, mahigit isang milyon pa lamang bagong voter application sa buong bansa ang kanilang natatanggap para sa 2022 elections.

Kakaunti anila ito kumpara sa apat na milyong botante na target nilang mairehistro hanggang sa Setyembre 30, 2021 na siyang huling araw ng voter registration.

Patuloy naman ang panawagan ng naturang tanggapan sa mga botante na magparehistro upang makaboto sa nalalapit na halalan. (MIO

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan