Skip to main content

COMELEC MULING HINIKAYAT ANG MGA DI PA NAKAKAPAG-PAREHISTRO, SATELLITE REGISTRATION ISINASAGAWA

Tuloy tuloy ang ginagawang satellite voter registration ng Commission on Election o COMELEC Lingayen sa mga barangay dito sa bayan.

Layon ng isinasagawang Barangay Satellite Voters Registration na hindi na mahirapan at maabala pa ang kababayan sa pagpunta sa mismong tanggapan ng COMELEC.

Dahil dito, muling hinikayat ng naturang ahensya ang publiko na magparehistro na at maki-isa sa isinasagawang aktibidad lalo na sa mga barangay.

Ayon sa COMELEC, magtatagal na lamang ang kanilang voters registration hanggang Setyembre 30 kung kaya’t inaabisuhan na ang mga residente partikular na ang mga di pa nakakapagparehistro na asikasuhin at gawin na ito sa lalong madaling panahon.

Sa kasalukuyan, mayroon ng sampung barangay ang natapos ng COMELEC Lingayen para sa kanilang satellite voter registration habang naka-iskedyul naman ang mga sumusunod:

Pangapisan Sur – August 28
Domalandan West – September 4
Tonton – September 11

Maaari naman umanong magrequest sa tanggapan ng COMELEC ang mga barangay na nais ding magkaroon ng satellite voter registration sa kanilang lugar o komunidad.

Para sa mga barangay na hindi nabanggit, mangyari lamang na antabayanan sa mga susunod na araw ang inyong iskedyul. (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan