Skip to main content

COMPREHENSIVE DEVELOPMENT PLAN NG LINGAYEN, ISINASA-AYOS NA

Sinimulan na ng Lokal na Pamahalaan ng Lingayen ang pag update at pagbuo ng Comprehensive Development Plan para sa taong 2021 hanggang 2026.

Kasama sa mga bumubuo sa plano ang mga ibang tanggapan ng pamahalaang bayan, mga department heads, civil society organizations, at ilang non-government association na siyang stakeholders ng programa.
Sa kanyang maikling mensahe, ipinaliwanag ni Mayor Leopoldo N. Bataoil ang kahalagahan ng pagbuo ng nasabing plano.
Aniya, napaka-importante ng naturang dokumento sapagkat ito ang magbibigay ng mas maayos na sistema sa bayan.
Ito din umano ang magsisilbing ‘road map’ ng lokal na pamahalaan upang magkaroon ang Lingayen ng direksyon sa tatahaking nitong daan tungo sa kaunlaran.
“Ito yong road map na kinakailangan natin gawin para makamit natin yong vision at objectives natin dito sa ating mahal na bayan” ani Mayor Bataoil.
Samantala, nangako naman si Councilor JM Crisostomo na susuportahan ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Judy Vargas Quiocho ang anumang mabubuong mga plano para sa ikabubuti at ikakaayos ng bayan na kanilang pinaglilingkuran.
Ang CDP ay isang 6-year development plan kung saan naka-paloob ang mga prayoridad na proyekto at programa ng lokal na pamahalaan na nakaka-apekto rin sa iba’t ibang sektor sa lipunan tulad na lamang sa usapin ng kalusugan, agrikultura, infrastructure projects, social services, peace and order, pagtugon sa climate change at marami pang iba. (MIO)
📸MIO/GCEAdeur
Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan