Skip to main content

Cough Caravan

Nakatakdang isagawa sa bayan ng Lingayen ang isang Cough Caravan na pangungunahan ng Pangasinan Provincial Health Office katuwang ang Philippine Business for Social Progress at RCG Premier Foundation Inc.

Gaganapin ito sa darating na Huwebes, ika-4 ng Agosto mula 8:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon  sa Lingayen Civic Center.

Sa naturang programa, maaaring makatanggap ang mga benefeciaries ng libreng medical access tulad na lamang ng free TB screening.

Isang daan at limampu (150) ang target ditong maging benipesyaryo na pasok sa kinabibilangan criteria:

-household contacts of current & old TB Patients

-TB Symptomatic patients with cough for 1 week or more

-Vulnerable population groups tulad ng mga:

 *pasyenteng may co-morbidities at TODA Members na walang COVID 19 exposure

Ang naturang aktibidad ay isa lamang sa sa National Strategic Plan 2017-2025 ng mga nabanggit na tanggapan na may layuning isulong ang ‘End TB Strategy’ na kalaunan ay makakatulong sa National Tuberculosis Program.

Para sa mga interesado, maaring magtungo sa Lingayen Civic Center sa nasabing araw at oras upang ma-avail ang nabanggit na free medical services. (MIO)

 

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan