Skip to main content

COVID-19 VACCINATION PATULOY NA ISINASAGAWA SA IBA PANG MEDICAL AT HEALTH WORKERS SA BAYAN


Tuloy-tuloy ang pagbabakuna ng Lokal na Pamahalaan ng Lingayen sa pangunguna ng Municipal Health Office sa mga aktibong medical at health workers sa bayan.

Sa pinakahuling datos ng MHO Lingayen, tinatayang nasa mahigit walong daan (800) na ang nabakunahan at patuloy pa rin ang nasabing tanggapan sa pagbibigay ng naturang COVID-19 Vaccine.

Bagamat paunti-unti pa lamang ang nadedeliver na vaccine sa bayan mula sa Department of Health (DOH) laking pasalamat ng LGU Lingayen sa patuloy na pagtaas ng kumpiyansa ng publiko patungkol sa bakuna.

Matatandaan na noon ay naging pahirapan ang panghihikayat sa publiko dahil na rin sa matinding pag-aalinlangan dito.

Inihayag ng MHO na tatapusin muna nito ang pagbabakuna sa lahat ng mga medical at health workers sa bayan bago ang mga sumusunod na kategorya:

A1: HEALTH CARE WORKERS (on-going)
A2: SENIOR CITIZENS
A3: ADULT WITH COMORBIDITY
A4: FRONTLINE PERSONNEL IN ESSENTIAL SECTOR
A5: INDIGENT POPULATION
B1: TEACHERS AND SOCIAL WORKERS
B2: OTHER GOVERNMENT WORKERS
B3: OTHER ESSENTIAL WORKERS
B4: SOCIO-DEMOGRAPHIC GROUPS
B5: OVERSEAS FILIPINO WORKERS
B6: OTHER REMAINING WORKFORCE
C: REST OF THE POPULATION

Bilang pangalawa sa listahan, maaari nang magparehistro ang mga senior citizens sa kani-kanilang barangay. Ngunit, bibigyang prayoridad lamang ang mga A2 category kapag tuluyan nang natapos ang pagbabakuna sa mga nasa kategorya A1.

Sa ngayon bagamat naka depende ang LGU sa supply na maaring ipagkaloob ng national government dahil na rin ng kakulangan ng supply sa iba’t ibang panig ng mundo, target ng MHO na mapabilis pa rin ang vaccine rollout para mas maraming kababayan na ang maproteksyunan nito.

Manatili lamang naka-antabay dito sa Official FB Page ng LGU Lingayen (https://www.facebook.com/lingayengov) at sa official website nito na https://www.lingayen.gov.ph/ para sa mga mahahalagang anunsyo patungkol sa bakuna. (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan