Skip to main content

COVID-19 VACCINATION SIMULATION DRILL, ISINAGAWA RIN SA RHU2

Muling nagsagawa ng COVID-19 vaccination simulation exercise ang Lokal na Pamahalaan ng Lingayen kahapon, Mayo 11 2021.

Nanguna sa nasabing aktibidad ang Rural Health Unit I at Rural Health Unit II na kapwa pinamumunuan ni Dr. Sandra V. Gonzales at Dr. Ferdinand V. Guiang.

Naroon din si Mayor Leopoldo N. Bataoil, Vice Mayor Judy Vargas-Quiocho at Councilor Dexter Malicdem upang saksihan ang naturang simulation exercise na ginanap sa Rural Health Unit II sa Brgy. Domalandan Center.

Naging hudyat ng simula ang pagpapatala ng mga babakunahan sa itinakdang registration area. Sinundan ito ng counseling, assessment hanggang sa pagruturok ng bakuna.

Pagkatapos maturukan ng bakuna, ang indibidwal ay magpapahinga sa post-monitoring area at kapag walang nakitang side-effect ay saka ito papayagang makalabas at umuwi.

Ayon sa Municipal Health Office o MHO Lingayen, ginawa ang naturang simulation exercise upang mas mapabilis pa ang aktuwal na pagbabakuna sa bayan.

Tiniyak din ng naturang tanggapan katuwang ang Lokal na Pamahalaan na ipagpapatuloy nito ang ginagawang kampanya upang mas lalo pang mapataas ang vaccine confidence ng publiko patungkol dito.

Ayon naman kay DR. Guiang ng RHU2, isinagawa ang simulation drill sa kanyang area upang maging additional vaccination site na rin ng LGU sakaling dumating ang mas maraming supply ng bakuna.

Sa ngayon, tuloy tuloy pa rin ang LGU Lingayen sa pagbabakuna sa mga medical at health workers at nangakong isusunod agad ang mga nasa A2 o mga Senior Citizens kapag tuluyan ng natapos ang mga nasa kategorya ng A1. (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan