Skip to main content

CURFEW SA LINGAYEN BAHAGYANG PINAIKLI

Ipinatutupad na sa bayan ng Lingayen ang mas pinaikling curfew hours mula 9:00 ng gabi hanggang 4:00 ng umaga.

Ito ay batay sa nilagdaan na Executive Order No. 74, s 2020 ni Mayor Leopoldo N. Bataoil, alinsunod na rin sa hiling ng mga essential bussiness establishments sa bayan na bigyan sila ng mas mahabang oras o operating hours. Ito ay matapos ring ikunsulta ni Mayor Bataoil sa Provincial IATF sa pamumuno ni Gov. Amado “Pogi” I. Espino III.

Bagama’t mas pinaikli, nilinaw ng lokal na pamahalaan ng Lingayen hindi pa rin maaaring lumabas ng bahay ang mga menor de edad at mga senior citizen na may edad 66 anyos pataas.

Ayon naman sa PNP Lingayen, magpapatuloy ang kanilang ginagawang pagpapatrolya upang masiguro na naipapatupad ng maayos ang bagong alituntunin at masusunod ito ng publiko.

Hindi sakop ng nasabing Executive Order ang mga health workers at frontline personnel, mga naka-duty na pulis, municipal employees, private employees, delivery services partikular ang mga nasa basic necessities, at kung may emergency.

Nauna nang iniulat ng LGU Lingayen ang tuluy-tuloy na pagbuti ng COVID situation sa bayan at sa katunayan Zero active case na ito sa kasalukuyan ngunit patuloy pa rin ang panawagan ni Mayor Bataoil sa mga residente at kanyang mga kababayan na manatiling disiplanado at sumunod sa mga ipinapatupad na health protocol at social distancing guidelines. (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan