Skip to main content

Libreng COC Notaryo Ed Segundo Distrito

LIBRENG COC NOTARYO ED SEGUNDO DISTRITO Hatid ni Pangasinan 2nd District Board Member, Atty. Haidee S. Pacheco ngayong August 24, 2023 sa Lingayen Civic Center.
Hindi lamang mga kumakandidato sa Sangguniang Kabataan at Barangay Elections sa bayan ang nakinabang sa libreng Certificate of Candidacy (COC) notary kundi maging mga kandidato ng mga karating bayan ng Lingayen sa Segundo Distrito.
Pinaunlakan din ito ni Lingayen Comelec Officer Ms. Reina Corazon Ferrer na nagbigay ng paalala at panuntunan sa mga aspirants at personal ring ipinaabot ni Vice-Mayor Mac Dexter Malicdem ang mensahe at pasasalamat naman ni Mayor Leopoldo N. Bataoail para sa tanggapan ni BM Pacheco at sa lahat ng mga naki-isa rito.
Ang filing ng COC forms para sa mga tatakbong barangay captain, barangay kagawad, SK chairman at SK kagawad ay sa August 28- September 2, 2023 samantala ang araw ng botohan ay gaganapin sa ika-30 ng Oktubre ng parehong taon.
📸MIO/GcRueda

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan