Skip to main content

DA, NAGSAGAWA NG ARTIFICIAL INSEMINATION SA MGA KALABAW SA BAYAN

Nagsagawa ng artificial insemination ang Department of Agriculture-Philippine Carabao Center (DA-PCC) para sa mga alagang kalabaw sa bayan noong Agosto 28, 2020.

Sa pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan ng Lingayen at Municipal Agriculture Office, tagumpay na naisagawa ang nasabing aktibidad sa dalawang barangay— Brgy. Estanza at Brgy. Malimpuec.

Ayon kay Municipal Agriculturist Dr. Rodolfo Dela Cruz, ang “artificial insemination” ay isang pamamaraan ng pagpapalahi, na kung saan ang semilya ng barako ay inilalagay sa inahin sa pamamagitan ng catheter.
Layunin ng programang ito na mapadami ang malalaking lahi ng mga alagang kalabaw sa bayan.

Bukod sa Free Massive Artificial Insemination, nagsagawa din ang DA ng Deworming at Vitamins injections sa mga naturang hayop upang masigurong maayos ang kanilang kalusugan.

Umabot sa dalawapu’t limang (25) kalabaw ang nabigyan ng libreng artificial insemination, walo (8) para sa pregnant diagnose at tatlumpu’t walo (38) naman ang deworming and vitamin injection.

Kinakailangan umanong maghintay ng siyam na buwan ang mga nagmamay-ari nito upang makapanganak at maparami ang kanilang alaga.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Mayor Leopoldo N. Bataoil at sinabing malaking tulong ang naturang programa sa mga magsasaka sa bayan gayundin sa pagpapaunlad ng kaalaman hindi lamang sa pagsasaka at agrikultura, gayundin sa pagpaparami ng alagang kalabaw. (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan