Skip to main content

DA NAMAHAGI NG HIGH BREED PALAY SEEDS SA MGA MAGSASAKA SA BAYAN


Namahagi ang Department of Agriculture (DA) katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Lingayen ng libreng hybrid seeds sa mga magsasaka sa bayan noong ika-19 ng Mayo, 2022.

Masuwerteng nabigyan ang ilang magsasaka mula sa labing anim (16) na barangay na kinabibilangan ng mga sumusunod:

Aliwekwek, Bantayan, Basing, Dulag, Quibaol, Naguelguel, Matalava, Estanza, Malimpuec, Tumbar, Talogtog, Wawa, Lasip, Rosario, Malawa at Sabangan.

Ayon sa Municipal Agricuture Office, mayroong ibinigay na 140 sacks allocation ang DA na hinati hati naman para sa mga lokal na magsasaka sa mga nabanggit na baragay. Nakadepende ang bilang ng ipinamahagi sa lawak at laki ng kanilang sinasakang lupa.

Nilinaw din ng naturang tanggapan na ang mga magsasakang nakatanggap nito ay pawang mga miyembro ng rehistradong asosasyon sa kanilang barangay. Ayon sa MAO Lingayen, bago makatanggap ng subsidiya mula sa DA ay kinakailangang rehistrado muna ang mga ito sa Master List ng ahensiya.

Inaasahan pa ang pagdating ng karagdagang hybrid palay seeds sa mga susunod na araw at prayoridad naman itong ibigay sa mga hindi pinalad na nakatanggap sa ngayon. Ipinamahagi ang naturang binhi upang agad na maipunla na ng mga magsasaka at maiwasan ang mga kalamidad tuwing anihan.

Panawagan naman ng LGU Lingayen sa pamumuno ni Mayor Leopoldo N. Bataoil sa mga benipesyaryo na huwag sayangin ang tulong ng pamahalaan. Nangako din ang alkalde na sisikapin pa nito na asikasuhin at bigyan sila ng ng sapat na atensyon lalong lalo na ang pangangailangan ng sektor ng agrikultura sa bayan. (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan