Skip to main content

DA NAMAHAGI NG MANOK SA MGA HOG RAISERS NA NAAPEKTUHAN NG ASF

Pinagkalooban ng Department of Agriculture o DA Region 1 ng manok ang mga hog raisers sa bayan na namatayan ng mga alagang baboy bunsod ng African Swine Fever (ASF).

Pinangunahan mismo ni Mayor Leopoldo N. Bataoil ang inisyal na pamamahagi ng isang daan at apatnapu’t tatlong (143) manok sa pitong benipesyaryo mula Barangay Estanza (6) at Barangay Libsong East (1).

Ang bawat hog raisers ay nakatanggap ng tig-dalawampung inahin (pullet chickens) at tig dalawa namang tandang (cockerel).

Ayon sa Municipal Agriculture Office (MAO) Lingayen, ang nasabing programa ay parte ng recovery plan ng DA at lokal na pamahalaan upang mabigyan ng alternatibong tulong ang mga nag-aalaga ng mga baboy sa bayan na lubos na naapektuhan ng ASF.

Dagdag pa ng naturang tanggapan, partial lamang ang naganap na animal dispersal dahil nakatakda ding bigyan ang mga hog raisers sa ibang barangay sa mga susunod na araw.

Hinimok naman ni Mayor Bataoil ang mga benepisyaryo na paramihin ang alternatibong mga hayop na libreng ipinagkaloob sa kanila upang matiyak ang seguridad sa pagkain lalo na ngayong hindi pa aniya tapos ang pandemyang dulot ng COVID-19. (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan