
DAY CARE WORKERS WEEK, IPAGDIRIWANG
Nakiki-isa ang Lokal na Pamahalaan ng Lingayen sa pamumuno ni Mayor Leopoldo N. Bataoil sa pagdiriwang ng Day Care Workers Week na magsisimula ngayong araw, Hunyo 7 hanggang Hunyo 11, 2022.
Nakatakdang magkaroon ng mga aktibidad para sa buong linggong selebrasyon kabilang na ang pagdaraos ng isang orientation seminar na pangungunahan naman ng Municipal Social Welfare and Development Office o MSWDO Lingayen.
Nakatakda rin itong lahukan ng mga Day Care Workers mula sa iba’t ibang barangay at inaasahang tatalakayin ang mga usaping may kinalaman sa early child development at edukasyon ng mga bata pati na ang pagpapalakas ng kanilang kapasidad sa mahusay na pahubog ng mga pre-schoolers.
Magkakaroon din ng Search for Ms. Day Care Worker at awarding ng mga accredited na Child Development Centers (CDCs) at Child Development Workers (CDWs).
Patuloy namang hinihimok ni Mayor Leopoldo N. Bataoil ang lahat ng mga Day Care Workers na ipagpatuloy ang kanilang serbisyong ipinagkakaloob upang maitaguyod ng maayos ang kapakanan ng mga kabataan sa bayan.
Sa kasalukuyan, may 35 daycare centers sa 32 barangays sa bayan kung saan ilan sa mga barangay na may malaking populasyon ay may higit sa isang center. (MIO)