DAYUHANG VOLUNTEER, PANSAMANATALANG MAGIGING EMPLEYADO NG LGU LINGAYEN
Mainit na tinaggap ng Lokal na Pamahalaan ng Lingayen sa pamumuno ni Mayor Leopoldo N. Bataoil ang pagdating ng isang US Peace Corps Volunteer mula pa sa bansang Amerika.
Boluntaryong magsisilbi sa tanggapan ng Municipal Social Welfare and Development Office o MSWDO Lingayen si Steeve Grayson Black II na tubong Tennessee sa United States of America.
Ayon kay MSWDO Officer Lorenza Decena, ang dayuhang indibidwal ay magiging isang empleyado din ng LGU Lingayen sa loob ng dalawang (2) taon kung saan hahawakan nito ang mga trabahong regular na ginagawa ng mga MSWD employees.
“2 years siyang mag-stay dito working with youth, children and family since assign siya sa office namin” pahayag ni Decena.
Ang Peace Corp Volunteer ay isang 30 year-old American na nagtapos ng kursong Bachelor of Science in Psychology at Master’s Degree in Social Work. Dumating ito sa bansa nito lamang Pebrero kung saan agad na sumabak sa isang community-based training sa Orani, Bataan bago tuluyang i-deploy sa bayan ng Lingayen.
Ayon sa dayuhang volunteer, ngayong Lunes ika-17 ng Abril 2023 ang opisyal na araw ng pagsisimula nito bilang isang volunteer sa bayan. Hiling nito na sana ay di maging hadlang ang magiging isang dayuhan upang magampanan ang kanyang tungkulin na mapaglingkuran ang mga kababayang Lingayenense.
“I hope that I will be accepted into the community and eventually trusted to do good work. PC community has a strong policy on us coming in to work together with the fellow Filipino Community. We served on projects that are already existing with our priorities and places that are set by the community. So, I hope that I’ll be able to do a good work but more than anything, I hope that I’ll be accepted by the community here in Lingayen”, ayon kay Black.
Ang Peace Corps ay isang independent agency o programa ng USA Government na may layuning magbigay ng assistance sa mga bansa sa pamamagitan ng pagtatalaga ng mga trained volunteers na may sapat na kaalaman sa iba’t ibang field gaya sa edukasyon, health, entrepreneur, women empowerment, community development at iba pa.
Layunin rin ng Peace Corps ang pagpapalaganap ng world peace at pakikiisa sa iba’t ibang bansa. (MIO MRLlanillo/JMAquino)