Skip to main content

DECLOGGING SA PALENGKE ISINAGAWA… PRICE MONITORING NGAYONG ARAW INILABAS

Nagsagawa ng declogging at cleaning operations ang mga kawani ng Market and Slaughterhouse Office sa pamilihang bayan kahapon, Enero 19, 2021.

Katuwang ang mga utility maintenance personnel, sanib puwersa ang ginawang pagtatanggal ng putik at basura mula sa baradong water drains sa palengke.

Layunin nito na mapanatili ang kalinisan hindi lamang sa Lingayen Public Market ngunit maging sa lahat ng lugar na sakop ng bayan.

Panawagan lamang ng Lokal na Pamahalaan partikular na ni Mayor Leopoldo N. Bataoil sa publiko na isaayos ang pagtatapon ng basura upang maiwasan ang negatibong epekto nito sa lipunan at kalikasan.

Samantala, aminado din ang naturang tanggapan na tumaas ngayon ang presyo ng ilang bilihin sa naturang palengke partikular na sa mga karne .

Ito’y dahil pa rin umano sa kakulangan ng suplay nito lalo’t isa ang Lingayen sa mga bayan na lubos na naapektuhan ng African Swine Fever o ASF.

Narito ang presyo ng ilang mga pangunahing bilihin sa Lingayen Public Market: (As of January 20, 2021)

BEEF (BAKA)/per kilo
1.Rump (pigi) – 380
2.T-bone (lomo)-360
3.Brisket (dibdib)-360
4.Bone-in (buto)-360

PORK (BABOY)/per kilo
1.Lomo -360
2.Pigue-360
3.Liempo-380
4.Porkchop-360
5.Pata-340
6.Ulo-340

CHICKEN MEAT/per kilo
1.Breast-190
2.Wings-190
3.Legs-190
4.Drumsticks-190
5.Thighs-190
6.Feet-120

FISH (ISDA)per kilo
1.Bangus 160-170
2.Tilapia 100-120
3.Galunggong 170-180

EGGS(ITLOG)/per tray
1.Large-210
2.Medium-195
3.Small-180

VEGETABLES (GULAY)/per kilo
Sibuyas-80
Bawang-70
Luya-120
Talong-60
Okra-40
Kalabas-90
Ampalaya-90
Kamatis-50
Repolyo-140
Patola-30
Patatas-50
Sigarilyas-100
Gabi-60
Umbok-120
Sayote-15
Carrots-50
String Beans-40
Labong-140
Broccoli-100

VEGETABLES (GULAY)/per piece
Upo-30
Puso ng Saging-40

VEGETABLES (GULAY)/per bundle
Malunggay-60
Pechay-70
Sitaw-40
Dahon ng Saluyot-30
Dahon ng Kangkong-20
Talbos ng Sayote-30
Talbos ng Kamote-20

Paalala lamang ng Market and Slaughterhouse Office sa publiko, maaari pa umanong mabago ang mga nabaggit na presyo ng pangunahing bilihin depende sa suplay nito.

Babala din ng mga ito na papatawan ng karampatang parusa ang sinumang nagtitinda na mapatunayang umaabuso sa presyo. (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan