Skip to main content

DENGUE AWARENESS MONTH, IPINAALALA SA PUBLIKO MALIBAN SA LABAN KONTRA COVID-19


Pinaalalahanan ng Lokal na Pamahalaan ng Lingayen sa pamumuno ni Mayor Leopoldo N. Bataoil ang publiko na aktibong makipagtulungan sa kampanya kontra dengue, ito ay sa kabila ng nararanasang pandemya bunsod mg COVID-19.

Kasabay ito ng pagdiriwang ng Dengue Awareness Month ngayong buwan ng Hunyo kung saan hinihikayat na makibahagi ang lahat ng sektor upang malimitahan ang bilang ng magkakasakit nito lalo na ngayon na ideneklara na ang pagsisimula ng tag-ulan sa bansa.

Ang Municipal Health Office o MHO Lingayen ay mahigpit na nagpaalalang gawin ang 4s habit na kinabibilangan ng search and destroy, self-protection measures, seek early consultation at support fogging o spraying.

1. SEARCH AND DESTROY BREEDING PLACES – kailangang hanapin kung saan namumugad ang mga lamok. Regular na suriin ang lalagyan ng mga pinggan na kalimitang nakakaligtaang linisin, pagpapalit ng tubig sa flower vase, pinag-iimbakan ng tubig at mga kanal kung saan ay may nakaipong tubig.

2. SEEK EARLY CONSULTATION – kumunsulta na agad sa doktor kung makaramdam ng mga sintomas tulad ng lagnat sa loob ng 2 araw, pananakit ng ulo at pagsusuka, upang maagapan ang anumang karamdaman o uri ng sakit.

3. SELF PROTECTION MEASURES – magsuot ng pajama at long sleeves upang makaiwas sa kagat ng lamok. May ipinamamahagi din ang Department of Health ng mga treated na kulambo at treated screen para sa mga paaralan.

4. SUPPORT FOGGING & SPRAYING – huling pamamaraan upang maiwasan ang pagkalat ng dengue. May tamang oras ang fogging o misting, 4-6 sa umaga at 4-5 sa hapon.

Upang maka-iwas sa komplikasyong dala ng dengue, dapat umanong gawin ang ilan sa mga payo ng otoridad. Ayon sa MHO, simple lamang ay mga nabanggit na bagay ngunit napakalaking tulong upang hindi maging biktima ng dengue.

Sa ngayon ay mahigpit ang ginagawang monitoring ng MHO Lingayen upang mabantayan ang kalusugan ng mga kababayan at mapanatili ang mababang bilang ng kaso ng dengue sa bayan. (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan