Skip to main content

DILG CODIX ALERT LEVEL SA PANGASINAN

Sa ganap na 11:00 AM, Oktubre 18, 2025 — Ang Tropical Storm “RAMIL” ay bahagyang bumaba at kumikilos pakanluran timog-kanluran sa bilis na 20 km/h, taglay ang lakas ng hangin na 75 km/h at bugso na umaabot sa 90 km/h.
Ang sentro ng RAMIL ay posibleng mag-landfall ngayong tanghali o hapon sa Hilagang Samar at pagkatapos ay sa Catanduanes ngayong hapon o gabi. Batay sa kasalukuyang galaw ni RAMIL, tumataas ang posibilidad ng pag-landfall sa Albay o Sorsogon. Magpapatuloy itong kikilos pa-kanluran hilagang-kanluran, na dadaan malapit o sa mismong mainland ng Bicol Region at Polillo Islands.
Ayon sa forecast track, si RAMIL ay posibleng muling mag-landfall sa Aurora bukas, Oktubre 19, ng umaga o hapon.
Gayunpaman, hindi rin inaalis ang posibilidad ng pag-landfall sa hilagang Quezon o timog Isabela batay sa forecast confidence cone.
ALERT LEVEL BRAVO (Orange)
Ang ay kabilang sa mga lugar na nasa loob ng 300 km radius(150 km sa hilaga / 150 km sa timog ng track ng bagyo). Sa paglapit ng Bagyong Ramil ay inaasahan na makakaranas ng pagbugso ng hangin mula 80 km/h sa lalawigan na maaaring makapinsala ng kabahayan, magbuwal ng puno, at delikado sa paglalakbay, at malalakas hanggang matinding ulan na maaaring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa.
#LigtasAtAktibo
#LipadPangasinan
#PangasinanPDRRMO
#PangasinanAngGaling

Click here: https://www.facebook.com/share/p/17UtB2jzbX/

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan