
DONATION DRIVE PARA SA MGA NASALANTA NG BAHA AT BAGYO, INILUNSAD NG LGU LINGAYEN
Isang “Lingap Lingayen Donation Drive” ang inilunsad ng LGU upang makakalap ng mga donasyon sa mga kababayan na nais magpaabot at magbigay ng kanilang tulong sa mga biktima ng kalamidad.
Para sa mga nais mag-abot ng kanilang mga in-kind donations, ang mga sumusunod ang mga pinakakailangan:
– food packs
– hygiene kits
– diapers
– bottled water
– sanitary napkins
– vitamins
– blankets
– facemask
– alcohol
– flashlight
– detergent powder/soap
– at kahit pa mga housing materials para sa mga nawalan ng tahanan
Ayon kay Mayor Bataoil, kinakailangan na ipalaganap ang pagkakaisa at pagtutulungan lalo na sa panahon ng kalamidad at ang patuloy na banta ng pandemya.
Hinimok din ng alkalde ang bawat isa na patuloy na manalangin at tulungan ang mga naapektuhan ng bagyo.
Kasabay nito’y nagpaabot din ng pakikiramay si Mayor Bataoil sa mga pamilya ng mga nasawi sa pananalasa ng naturang bagyo.
Samantala maari namang ibigay ang mga donasyon at tulong sa drop off area o donation desk ng Lingayen Municipal Hall (Lobby) na bukas 24-oras.
Ngayon pa lamang ay taos puso na ang pasasalamat ni Mayor Bataoil at ang buong LGU Lingayen sa mga matatanggap na donasyon at makaka-asa ang publiko na ang lahat ng malilikom ay maipapamahagi sa lugar na labis na naapektuhan ng bagyo at mga pagbaha. (MIO)