
DOST AT PISAY ILOCOS NAG-AALOK NG SCHOLARSHIP GRANT
Binuksan ng Department of Science and Technology (DOST) at Philippine Science High School Ilocos Region sa bayan ng Lingayen ang aplikasyon para sa handog nitong Scholarship Program sa taong 2021-2022.
Ang nasabing programa ay bukas para sa mga Grade 6 pupils na kasalukuyang naka-enroll sa mga paaralang accredited ng Department of Education o DepEd.
Sa pag a-apply, kinakailangang ikonsidera ang mga sumusunod:
-report card na may 85% final grade lalo na sa mga asignaturang Agham at Matematika (Science and Mathematics)
-isang natural born Filipino Citizen at walang aprubado o pending na aplikasyon sa ibang bansa
-may satisfactory na marka lalo na sa Character rating
-hindi pa kailanman nakapag exam ng PSHS National Competitive Examination
Kabilang sa mga benipisyo o prebilihiyo na maaaring makuha o matanggap ng mga applikante ay ang libreng tuition fee na umaabot ng 35 thousand pesos per year level, libreng textbook loan, mababang dormitory fee, libreng paggamit ng school facilities and laboratories at buwanang stipend and living allowance na limang daan hanggang apat na libong piso at marami pang iba.
Sa mga interesado, magsumite lang ng mga kinakailangang dokumento online sa pamamagitan ng
➡️ https://nce.pshs.edu.ph/signup
Kung sakaling walang internet access para makapagsumite ng mga nasabing papeles, pwedeng bumisita sa pinakamalapit na DOST Office.
Para naman sa karagdagang katanungan, maaaring magpadala ng mensahe sa Facebook Page na https://www.facebook.com/pisayilocos/.