Skip to main content

E-Governance Act: Mas Mabilis, Mas Transparent, Mas Makabagong Serbisyo Publiko!

Opisyal nang naging batas ang Republic Act No. 12254 o ang E-Governance Act. Isa itong mahalagang hakbang tungo sa digital governance na magbibigay-daan sa mas mabisa, ligtas at abot-kamay na serbisyo publiko para sa bawat Pilipino.
Ang batas ay nakatuon sa pagpapatupad ng E-Government Master Plan (EGMP) bilang pangkalahatang digital governance strategy ng bansa—mula sa interoperable platforms at mas mabilis na frontline services, hanggang sa mas mahigpit na pagpapatupad ng pamantayang pang-cybersecurity at data privacy standards.
Kabilang din dito ang pagtatalaga ng mga Chief Information Officers (CIOs) sa bawat tanggapan ng pamahalaan, pagtatatag ng isang National ICT Academy, at ang paggamit ng E-Government Development Index (EGDI) para masukat ang kahandaan at digital maturity ng mga pambansa at lokal na antas ng pamahalaan.
Sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang E-Governance Act ay simbolo ng isang Bagong Pilipinas kung saan mas equitable, accessible, at citizen-centered ang lahat ng serbisyo ng pamahalaan.

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan