Skip to main content

FACEMASK AT FACESHIELD, REQUIRED NA

Sinimulan na ngayong araw ang implementasyon sa pagsusuot ng faceshield bukod sa facemask sa pamilihang bayan ng Lingayen.

Nag-umpisa nang ipabatid sa publiko ng Office of the Market Supervisor ang pagsusuot nito alinsunod na rin sa inilabas na Executive Order No. 62 Series of 2020 ng Lokal na Pamahalaan.

Ayon sa naturang tanggapan, ipapatupad ang nasabing kautusan hindi lamang sa mga nagtitinda sa loob ng palengke ngunit pati na sa mga mamimili.

Magsisilbi umano itong karagdagang proteksyon ng mga mamamayan habang nasa labas ng kani-kanilang tahanan at upang maiwasan na rin ang hawaan dulot ng virus.

Bagama’t wala pang naipapasang ordinansa patungkol dito, maari naman nang mapagbawalang pumasok sa establisimyento ang mga hindi nakasuot nito.

Ang pagsusuot ng face shield ay required sa palengke, Commercial Establishments, Public Transport, Supermarkets, Shopping Malls, workplaces at Government Venues and Offices.

Una nang nagpamahagi kahapon ng dalawampung libong (20,000) libreng face shields si Mayor Leopoldo N. Bataoil para sa mga nagsisilbing frontliners kabilang na ang mga Market Vendors.

Ito’y upang magkaroon umano ang mga ito ng sapat na proteksiyon, lalo na ang mga regular na lumalabas ng bahay para maghanapbuhay.

Hiniling naman ng alkalde ang disiplina at kooperasyon ng kanyang mga kababayan upang maiwasan at tuluyan nang matuldukan ang local transmission dulot ng COVID-19. (MIO/MRBLlanillo)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan