February 16, 2026 | Flag Raising Ceremony
Muling nagtipon-tipon ang mga kawani ng LGU Lingayen para sa ating lingguhang Flag Raising Ceremony ngayong araw, Pebrero 16, 2026. Ang nasabing seremonya ay pinangasiwaan ng LDRRMO sa pangunguna ni Sir Clark Mamaril.
Sa gitna ng pagtitipon, masayang ibinahagi ang mga sumusunod na karangalan para sa ating bayan.
🌾 PAGKILALA MULA SA DA-ATI 🏆
Isang malaking karangalan para sa Bayan ng Lingayen ang makatanggap ng Plaque of Recognition mula sa Department of Agriculture – Agricultural Training Institute (DA-ATI). Ang pagkilalang ito ay patunay ng ating patuloy na pagsisikap at tapat na serbisyo para sa ating mga magsasaka at mangingisda.
🏅 PAGPUPUGAY SA ATING MGA ATLETA
Binigyang-pugay din natin ang ating mga mahuhusay na atleta na buong giting na nakilahok at nagpamalas ng galing sa katatapos lamang na SDO 1 Athletic Meet 2026. Ang inyong tagumpay ay inspirasyon sa buong kabataang Lingayenense!
Click here: https://www.facebook.com/share/p/1H4oEmPWPv/








