FERTILIZER VOUCHERS IPINAMAHAGI SA MGA MAGSASAKA SA BAYAN
Nakatanggap ng fertilizer vouchers ang may kabuuang bilang na 933 benepisyaryong magsasaka sa bayan sa ilalim na rin ng Rice Resiliency Project (RRP) ng Department of Agriculture (DA).
Isinagawa ang pamamahagi ng nasabing fertilizer vouchers ngayong araw, Nobyembre 16, 2021 sa pangunguna ng Municipal Agriculture Office (MAO) Lingayen.
Ang mga nabanggit na kabuuang bilang ng mga benepisyaryong magsasaka ay mula sa 22 barangay sa bayan na kinabibilangan ng mga sumusunod: Aliwekwek, Balococ, Bantayan, Capandanan, Domalandan Center, Domalandan East, Domalandan West, Dulag, Estanza, Lasip, Malawa, Malimpuec, Matalava, Naguelguel, Namolan, Quibaol, Rosario, Sabangan, Talogtog, Tumbar at Wawa.
Sa ilalim ng proyekto, may nakalaang P2,000 fertilizer voucher sa kada ektaryang pagtataniman ng inbred seeds habang P3,000 fertilizer voucher naman sa kada ektaryang lupain para sa pagtatanim ng hybrid seeds.
Ang naturang voucher ay magagamit ng mga magsasaka upang makabili ng abono sa mga accredited fertilizer supplier.
Layunin ng naturang programa na mapataas ang produksyon ng palay at mai-angat ang kita ng mga magsasaka sa bayan.
Nilinaw naman ng MAO Lingayen na ang mga nakatanggap ng fertilizer voucher ay pawang mga magsasaka na nakarehistro sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) at tumanggap ng libreng binhi ng palay mula sa programang itinataguyod ng DA. (MIO)