Skip to main content

FIRE PREVENTION 2024 CULMINATING ROADSHOW NG BFP LINGAYEN, HINANGAAN

FIRE PREVENTION 2024 CULMINATING ROADSHOW NG BFP LINGAYEN, HINANGAAN

Punong-puno ng kaalaman at mga kapana-panabik na aktibidad ang isinagawa sa Lingayen Civic Center ngayong araw, ika-11 ng Abril 2024, bilang bahagi ng Fire Square Roadshow ng Bureau of Fire Protection (BFP) Lingayen sa pamumuno ni FSINSP Kevin G. Banawag.

Kaisa sa naturang aktibidad ang lokal na pamahalaan ng Lingayen na pinangunguhan ni Mayor Leopoldo N. Bataoil, Local Disaster Risk Reduction and Management Office, BFP Pangasinan sa pamumuno ni FSSUPT. Roberto C. Miranda, BFP Pangasinan Band, at ng mga On-the-Job Training (OJT) o Interns mula sa Pangasinan State University Binmaley at Lingayen Campus, University of Pangasinan-PHINMA, at University of Luzon.

Ang roadshow ay dinaluhan naman ng mga department managers at kawani ng lokal na pamahalaan, mga estudyante, guro at principal mula sa Poblacion Central School at Domalandan Center Integrated School.

Tampok sa aktibidad ay ang BFP Uniforms Display and Showdown, Fire Safety lectures, Rappelling and Traversing, Ropemanship, Fire and Ladder Game, Smoke Control Maze, Firefighting Tools and Equipment, at Search and Rescue Tools and Equipment, at Emergency Medical Service Lecture & Demonstration.

Ayon kay FS/INSP Banawag, ang Fire Square Roadshow ay isang interaktibo at educational frontline program ng kanilang hanay na ang adhikain ay linangin ang kamalayan ng kabataan at sambayanan patungkol sa fire prevention, safety at response, at maging sa disaster preparedness at iba pang man-made at natural emergencies.

Tema at tagline ng Fire Prevention Month ngayong taon ay, “Sa Pag-iwas Sunog, Hindi ka Nag-iisa.”

Lubos naman ang paghanga at komendasyon ni Mayor Bataoil, na siya ring nagsilbing keynote speaker, sa dedikasyon at kasipagan ng BFP Lingayen sa pagsasagawa ng naturang aktibidad.
Dagdag aniya, nabibigyan ng panibago at dagdag kaalaman ang mga kabataan at iba pang nagsipagdalo patungkol sa kahalagahan ng pagiging handa, alisto at alerto sa anumang sakuna. (MIO/JMMangapot)

📸MIO_RCSoriano/ OJT_TJEstrada

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan