Skip to main content

FIRE PREVENTION MONTH IPINAGDIRIWANG NGAYONG MARSO

Nakibahagi ang Lokal na Pamahalaan ng Lingayen sa pamumuno ni Mayor Leopoldo N. Bataoil sa pagdiriwang ng Fire Prevention Month ngayong buwan ng Marso.
Pormal na sinimulan ngayong umaga ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang nasabing aktibidad sa pamamagitan ng isang motorcade ng mga fire trucks at mga kawani nito matapos ang maiksing programa kasabay ang flag raising ceremony ngayong unang araw ng Marso, 2021.
Umikot sa pangunahing lansangan sa bayan upang mas mapalakas pa ang kampanya sa fire safety awareness ng publiko at imulat ang kamalayan ng mga mamamayan na maging maingat at iwasan ang anumang uri ng sunog.
Ayon kay Senior Inspector Michael C. Samera, hepe ng BFP Lingayen may mga nakalatag umano silang mga aktibidad na kaugnay ng paggunita sa Fire Prevention Month tulad na lamang ng mga information drive/campaign.
Hiniling nito ang suporta hindi lamang ng Lokal na Pamahalaan ngunit maging ang publiko ang kanilang mga programa.
“Sa lahat po ng mga aktibidad na aming gagawin ay umaasa po kami sa inyong suporta at tiwala” ani Samera.
Hinikayat naman ni Mayor Bataoil ang kanyang mga kababayan na sundin ang mga payong pangkaligtasan hindi lamang tuwing buwan ng pag-iwas sa sunog kundi sa loob ng buong taon.
Nais umano nito na makamit ng bayan na kanyang pinamumunuan ang isang fire free community.
“Let there be no fire incident in our beloved town. Gusto ko na ang ating bayan ang manguna at bigyan ng halaga ang pagdiriwang ng Fire Prevention Month ngayong buwan” ani Mayor Bataoil.
Ang pagdiriwang ngayong taon ay nakasentro sa temang “Sa Pag-iwas sa Sunog, Hindi ka Nag iisa!.” (MIO)
📸 MIO/GCEAdeur and Lingayen PS

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan