Skip to main content

Fisheries and Aquatic Resources o BFAR Region 1 para sa kanilang Fisheries Scholarship Program o FSP

Kaugnay nito, hinihikayat ng Lokal na Pamahalaan ng Lingayen, sa pamumuno ni Mayor Leopoldo N. Bataoil ang publiko partikular ang mga kabataan sa bayan na mag-apply para sa nasabing scholarship program.

Ayon sa alkalde, magandang pagkakataon ito upang makapag-aral ang mga estudyanteng nais kumuha ng apat na taong kurso sa fishery.

Layon din aniya ng nasabing programa na mahikayat ang mga mag-aaral na pumasok sa larangan ng industriyang pangisdaan na kalaunan ay makakatulong hindi lamang sa mag-aaral ngunit maging sa bayan bilang isang coastal municipality.

Ang FISHERIES SCHOLARSHIP PROGRAM ay isang programa na nagbibigay ng full scholarship sa mga qualified na estudyante. May itinatakda na pambansang pagsusulit para sa lahat na estudyanteng nais maging iskolar.

Mayroong tatlong (3) components ang FSP na kinabibilangan ng mga sumusunod:

A. Fisheries Industry Leaders Grant (FILG) para sa mga graduating honor students o estudyante na nagtapos sa top ten ng klase.

B. Fisherfolk Children Educational Grant(FCEG) na para sa mga estudyante na rehistradong mangingisda ang magulang o tagapag-alaga

C. Indigenous Cultural Communities (ICCs) / Indigenous People (IPs) para sa mga estudyante na ang mga magulang ay ICCs or IPs na kinikilala ng NCIP

Narito din ang iba pang batayan para sa pag-aaplay:

•Pinanganak bilang Pilipino
•Nagtapos ng senior high school o kasulukuyang nasa senior high school
•Hindi hihigit sa 25 anyos sa oras ng pagsusulit
•Ang general weighted average (GWA) ay hindi babasa sa 80%
•Ang aplikante para sa FCEG and FILG applicants ay dapat wala pang units sa kolehiyo
•May good moral character

Para sa mga kwalipikadong aplikante, maaaring magsumite ng application form sa Municipal Agriculture Office MAO-Lingayen o di kaya’y sa tanggapan mismo ng BFAR Regional Field Office 1 kalakip ang mga documentary requirements gaya ng mga sumusunod:
-Duly accomplished at signed FSP application form mula sa FECG, FILG and ICCs/IPs;

-Original or Certified True Copy of Birth Certificate (issued either by PSA-formerly NSO or Civil Registrar;

-Certificate of Good Moral Character mula sa school registrar;

-Photocopy ng Fish-R/Mangingisdang Juan I.D or Certificate of Registration of Parent(s)/Guardian (issued by MAO or BFAR)- para sa mga aplikante lamang ng FCEG.

-Certification ng School Head na nagsasabing kabilang ang aplikante sa TOP TEN of the graduating class- para sa mga aplikante ng FILG

-Certification ng Tribe Membership issued by NCIP within the jurisdiction on Regional Office- para naman sa mga ICCs/IPs;

-Barangay Residence Certification ng mga magulang/guardian;

Ang mga masuwerteng aplikante na makakapasa at makaka enroll sa naturang programa ay makakakuha ng mga sumusunod na benepisyo:

1. Libreng matrikulasyon at iba pang school fees
2. Buwanang allowance P5,000
3. Book allowance kada sem P2,000
4. Suporta sa pag OJT P3,000
5. Suporta habang may Research/ Thesis/ Special Problem P7,000
6. Graduation Support P1,500

Magtatagal lamang ang application hanggang Setyembre 22, 2021 habang ang eksaktong petsa ng examination ay sa Nobyembre 6, 2021.
Para sa mga karagdagang impormasyon at katanungan, maaaring bisitahin ang offocal website page ng BFAR Regional Office 1 o https://[email protected]. (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan