Skip to main content

FLAG CEREMONY

Isinagawa ng mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Lingayen, sa pangunguna ni Mayora Josefina V. Castañeda at ng mga kasapi ng Sangguniang Bayan, ang regular na Flag Ceremony na ginanap sa Dela Cruz Auditorium.
Kasabay nito, ipinakilala ang bagong Bureau of Fire Protection (BFP) Officer ng Lingayen na si FSINSP Arlyn G. Diwag , na handang maglingkod at pangunahan ang mga programang naglalayong tiyakin ang kaligtasan at kahandaan ng bawat Lingayenense.
Ipinakilala rin ang mga bagong Electronics Engineer Board Passers na sina Mary Ann D. Santos at Juliane Nicole V. Canullas, bilang pagkilala sa kanilang tagumpay at sa patuloy na pagsisikap ng mga kabataang Lingayenense na magtagumpay sa kani-kanilang larangan. Isang pagbati sa ating mga bagong Electronics Engineers!

Click here: https://www.facebook.com/share/p/1AW5GcQjoJ/

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan