Skip to main content

FLAG CEREMONY NG LGU LINGAYEN AT IBA PANG AKTIBIDAD NGAYONG ARAW NG LUNES

Punong puno ng mga aktibidad at kaganapan ang Lokal na Pamahalaan ng Lingayen kasabay ng pagdadaos ng flag ceremony ngayong araw ng Lunes, ika-3 ng Oktubre, 2022.

Tatlong school districts sa bayan ang muling nabigyan ng mga school supplies, computers at iba pang equipment na pakikinabangan ng mga guro at mag-aaral. Ito ay mula sa pondo ng Special Education Fund (SEF) na taon-taong alokasyon ng LGU para sa sektor ng edukasyon, na inilalaan naman sa mga pangangailangan base sa rekomendasyon ng school board.

Nagkaroon din ng ceremonial turnover ng scholarship grant kung saan nanguna mismo si Mayor Leopoldo N. Bataoil sa pagbibigay ng cash grant sa tatlumpu’t tatlong (33) kabataang mga recipients. Ipinakilala na rin ang mga bagong batch ng iskolar ng bayan o 100 top qualifiers na nakapasa sa exam ng naturang programa noong Setyembre 10, 2022. Panawagan lamang ng alkalde sa mga kabataan na gamitin para sa pag aaral ang natanggap na pera mula sa lokal na pamahalaan.

“Remember, you are using people’s money so grab this opportunity to rise up and be the best that you can be. So kayong mga iskolars ng bayan, magpursige kayo na gamitin ang people’s money na ito sa tamang paraan” pahayag ni Mayor Bataoil.

Samantala, binigyan naman ng service award si Dr. Eusebio Sison ng Rural Health Unit III matapos ang mahigit isang taong panunungkulan bilang medical officer IV ng naturang tanggapan. Agosto 2021 nang magsimula itong maglingkod sa pamahalaang lokal hanggang sa i-anunsyo nito ngayong araw ang pag alis upang tahakin ang isa pang magandang oportunidad para sa ikakaganda at ikakabuti ng kanyang karera. Nagpa-abot naman ng taos-pusong pasasalamat si Mayor Bataoil kay Dr. Sison sa kontribusyon lalo na ang paglalaan nito ng sariling oras upang mapagsilbihan ang mga kababayan pagdating sa usaping pangkalusugan.

“Thank you Dr. Sison for serving the people of Lingayen”.

Naroon din ang cast and crew ng pelikulang “Lobo” ng HCA Production upang i-promote ang kanilang pelikula na proudly made in Lingayen and in Pangasinan.

Bukod sa mga nabanggit, pinarangalan na din ang mga manlalaro ng kauna-unahang LGU Lingayen Basketball Tournament. Binubuo ito ng pitong teams mula sa iba’t ibang tanggapan o opisina ng munisipalidad. Nakuha ng Team Violet ang 4th place na kinabibilangan ng MPDO,Engineering at Assesors Office;

-Team Red para sa 3rd place (MO,MIO,MTO,GSO,COA,BAC);
-Team Black sa 2nd place (Sangguniang Bayan, Argriculture and Treasury Office) habang itinagnghal na
-Champion ang team blue na binubuo ng LDRRMO. PInarangalan din ang mythical 5 at most valuable player ng naturang tournament. Layunin ng naturang aktibidad na pagtibayin pa ang samahan ng mga kawani ng lokal na pamahalaan kasabay na rin ng pagtaguyod sa health and fitness ng mga ito. (MIO)

« ‹ of 2 › »
Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan