
Flag Raising Ceremony January 20, 2020
Isang makabuluhang Flag Raising Ceremony ang isinagawa ngayong araw, Enero 20, 2020 sa pangunguna ng butihing ama ng Lingayen na si Mayor Leopoldo N. Bataoil.
Sama-samang nagbigay ng respeto at paggalang sa watawat ang lahat ng empleyado ng munisipalidad na tradisyunal na ginagawa tuwing araw ng Lunes.
Masaya ding naki-bahagi sa lingguhang selebrasyon ang Kagawaran ng Edukasyon sa pangunguna ni Dr. Sheila Marie A. Primicias, School Division Superintendent ng DepEd School Division Office Pangasinan 1.
Ibinahagi niya ang pagkakapasa ng kanilang dibisyon sa International Organization for Standardization (ISO Certified) na limampung araw na umano nilang pinagsikapan.
Ang International Organization for Standardization (ISO) certification ay nangangahulugan na ang management system, manufacuturing process, service o documentation procedure ay mayroong lahat ng requirements para sa standardization at quality assurance.
Naniniwala si Dr. Primicias na nakamit nila ang nasabing parangal sa pamamagitan ng maayos, disiplinado at pagkakaroon ng dedikasyon sa trabaho bagay na inihalintulad niya sa paraan ng pamumuno ni Mayor Bataoil.
Nangako rin ito na kanyang pagtutuunan ng pansin ang pagsasaayos ng mga paaralan sa bayan sa pamamagitan ng kanilang School 3-year Development Plan sa tulong na rin ng butihing alkalde, 2nd District Congressman Jumel Anthony I. Espino at ang ama ng probinsya na si Governor Amado ‘Pogi’ I. Espino III.
Present din sa nasabing okasyon ang grupo ng Lingayen Hotels Restaurants, Resorts Association na aktibong nagsusulong ng lokal na turismo ng bayan.
Samantala, bilang panauhing tagapagsalital, nag-iwan si Dr.Primicias
ng ilang mga kaugaliang dapat tularan ng mga empleyado o ng mga tinaguriang Lingkod Ng Bayan.
-Pagpasok sa trabaho ng maaga
-Pagkonsidera sa kalagayan ng mga katrabaho
-Pagiging malinis sa paligid
-Pagkakaroon ng pagkukusa
-Pagsunod sa mga patakaran/rules and regulations
-Pakikilahok sa iba’t ibang mga aktibidad
-Hindi pag abuso sa mga free resources ng gobyerno
-Marunong magpasalamat
-Pagkakaroon ng ambag sa grupo
-Pagbibigay ng malasakit at pagmamahal sa trabaho at
-Pag uwi sa bahay ng tamang oras at unahin ang pamilya