Skip to main content

FOOD SUBSIDY IPINAMAHAGI SA MGA MARGINALIZED CORN FARMERS

Isang daan at pitumpu’t isang (171) magsasaka sa bayan ang nabigyan ng cash at food assistance mula sa Department of Agriculture ngayong araw, Abril 8, 2021.

Katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Lingayen sa pamumuno ni Mayor Leopoldo N. Bataoil at Municipal Agriculture Office maayos na naipamigay ang ayudang para sa mga corn farmers sa bayan.

Ayon kay Municipal Agriculturist Dr. Rodolfo Dela Cruz, nasa limang libong piso (5,000) ang tulong pinansyal na natanggap ng mga lokal na magsasaka.

Nauna ng naibigay ang tatlong libong (3,000) cash assisstance habang kapapamahagi lamang ngayong araw ang dalawang libong (2,000) halaga ng pagkain o food assisstance.

Nakapaloob dito ang isang 25-kilos na bigas (worth P1,000), manok (worth P600.00) at itlog (worth P400.00).

Umaasa naman si Mayor Bataoil na makakatulong ang mga ipinamahaging pagkain sa mga magsasaka lalo na’t isa sila sa mga kababayan na lubos na naapektuhan ng pandemya dulot ng virus.

Sa kabila nito, tuloy pa rin ang panawagan ng alkalde sa publiko na istriktong sundin ang mga ipinapatupad na health protocols upang tuluyan ng bumaba ang kaso ng COVID-19 sa bayan. (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan