Skip to main content

FRONTLINE OFFICES DIRETSO SERBISYO SA KABILA NG BAGYO, MGA SAKIT DULOT NG BAHA BINABANTAYAN

FRONTLINE OFFICES DIRETSO SERBISYO SA KABILA NG BAGYO, MGA SAKIT DULOT NG BAHA BINABANTAYAN
Nagpamahagi ng gamot kontra leptospirosis ang Lokal na Pamahalaan katuwang ang Municipal Health Office sa mga binahang barangay sa bayan dulot ng bagyong Florita.
Nagsagawa ng pag-iikot ang mga kawani ng RHU I na pinangunahan mismo ni Dr. Sandra Gonzales kasama ang ilang kawani din ng Department of Health o DOH.
Ilan sa mga barangay na kanilang unang naikutan ay ang Brgy. Maniboc, Libsong East, Libsong West, Pangapisan North, Dorongan at Tonton.
Nagbigay ng Doxycycline capsule ang naturang tanggapan upang maprotektahan ng mga binahang residente mula sa sakit na leptospirosis. Isa na rin ito sa flood preparedness and response ng MHO Lingayen dahil marami umano sa mga kababayan ang naapektuhan sa dumaang bagyo base na rin sa kanilang isinagawang flood surveillance at monitoring.
Bukod sa doxycyclin, nagbigay din ang naturang tanggapan ng paracetamol (syrup at tablets) at ascorbic acids na vitamins para sa mga kababayang nakakaranas ng lagnat. Maging ang facemask ay libre ding ipinamahagi.
Inatasan na rin ang mga barangay health workers o BHW na regular na imonitor ang kalagayan ng kani-kanilang mga kabarangay at turuan kung paano ang tamang pag inom ng mga nabanggit na gamot.
Samantala, bukod sa MHO Lingayen, regular din ang isinagawang pag iikot ng mga kawani ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office o LDRRMO sa lahat ng barangay sa bayan partikular nitong nagdaang bagyo. Ito ay upang tiyakin na nasa mabuting kalagayan ang mga kababayan lalo ang mga nakatira sa low-lying areas o flood prone areas. Nanguna dito si Mayor Leopoldo N. Bataoil na siyang MDRRMC Chairman kasama si Councilor JM Crisostomo na siya ding chairman ng Committee on Disaster Resilience.
Kasama rin sa patuloy na nagbigay serbisyo sa mga kababayan ang mga kawani ng pulisya, BFP, GSO, MSWDO, Special Action Team na kaisa naman sa pag aabot ng relief packs sa mga pamilyang labis na naapektuhan ng baha katuwang sina Vice Mayor Dexter Malicdem, Coun. Jonathan Ramos at Coun. Jolo Lopez.
Nitong nakaraang araw, sinuspende ang pasok sa eskwela at mga pampublikong opisina at minabuti ng alkalde na i-extend pa hanggang ngayong araw ang suspensyon sa klase mula pre-school to high school level (public schools) upang masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral at upang bigyang daan din ang paghupa ng tubig baha sa ilang mabababang lugar. (MIO)
📸CTTO

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan