Skip to main content

GAWAD PAGKILALA mula sa Department of Agriculture-BFAR

SEPTEMBER 16, 2022: GAWAD PAGKILALA mula sa Department of Agriculture-BFAR ipinagkaloob sa LGU Lingayen bunsod ng natatangi at makabuluhang pagtulong ng lokal na mapamahalaan sa pangangalaga at pagpapaunlad sa kabuhayan at industriya ng pangisdaaan sa pamamagitan ng pagsusulong at pagpapatupad ng mga proyektong tungo sa pangmatagalang kaunlaran ng sektor ng pangisdaan.
Iginawad noong ika-16 ng Setyembre, 2022 sa pagdiriwang ng ika-59 taon ng Linggo ng Pangisdaan sa National Educators Academy of the Philippines San Vicente City of San Fernando La Union.
Personal naman itong tinanggap ni Vice Mayor Mac Dexter G. Malicdem kasama si Coun.Ricardo Ferrer, Chairman ng Committee on Agriculture bilang mga kinatawan ni Mayor Leopoldo N. Bataoil.
📸OVM

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan