
GAWAD PASASALAMAT IBINIGAY NG BFAR SA LGU LINGAYEN AT MFARMC
Malugod na tinanggap ng Lokal na Pamahalaan ng Lingayen ngayong araw, Setyembre 16, 2021 ang GAWAD PASASALAMAT na parangal mula sa tanggapan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at ng Department of Agriculture o DA.
Pinangunahan ito ni Mayor Leopoldo N. Bataoil kasama ang Municipal Agriculture Office sa pamumuno ni Municipal Agriculturist, Dr. Rodolfo Dela Cruz.
Ang GAWAD PASASALAMAT ay isang parangal na ibinibigay o iginagawad sa mga lokal na pamahalaan na istriktong nagpapatupad ng mga batas na may kinalaman sa pangangalaga sa sektor ng pangisdaan.
Isa rin itong pagkilala sa mga hakbang na ginagawa at ipinapatupad ng LGU upang maprotektahan ang katubigan laban sa mga iligal na gawain tulad na lamang ng illegal fishing.
Ang pagbibigay ng plake ng pasasalamat ay isinabay sa 58th Fish Conservation Week na ipinagdiriwang tuwing ikatlong linggo ng Setyembre.
Bukod sa Lokal na Pamahalaan ng Lingayen, nabigyan din ng pagkilala ang Municipal Fisheries and Aquatic Resources Management Council na personal ding tinanggap ni Ginoong Benjie Sison, chairman ng naturang council.
Lubos naman ang pasasalamat ni Mayor Bataoil sa natanggap na parangal at nangakong ipagpapatuloy ang pag aalaga, pagprotekta ng katubigan sa bayan.
“From the people of Lingyen and from us elected and appointed officials of this town, we would like to thank you from the bottom of our hearts for recognizing our contribution to the preservation of our marine resources particularly here in Lingayen Gulf. Asahan po ninyo ang aming tuloy-tuloy na pagtulong under our whole nation approach program of our Philippine government”. (MIO)