Skip to main content

GENERAL ASSEMBLY NG ACCERT PANGASINAN CHAPTER, IDINAOS

Tagumpay na isinagawa ngayong araw Pebrerro 23, 2021 ang kauna unahang General Assembly at ng Anti-Crime and Community Emergency Response Team o ACCERT Pangasinan Chapter sa Lingayen Civic Center.
Kalahok dito ang mga opisyal at miyembro ng nasabing asosasyon na nagmula pa sa iba’t ibang bayan sa lalawigan.
Nanguna naman sa nasabing aktibidad si Mayor Leopoldo N. Bataoil na siya ding Provincial Adviser ng ACCERT.
Sa kanyang mensahe, unang ipinaalala ng alkalde ang mga tungkulin o duties at responsibilities hindi lamang ng mga tumatayong opisyal ngunit maging ng lahat ng mga miyembro na bumubuo sa ACCERT.
Kabilang na diyan ang 4 Core Values na Maka-Diyos, Maka-Tao, Maka-Bayan at Maka-Kalikasan.
Ayon kay Mayor Bataoil, hindi nito magagampanan ang kanilang sinumpaang tungkulin kung hindi isasa-isip at isasapuso ang mga nabanggit na katangian. Kinakailangan umano nila itong taglayin upang mas maging makabuluhan pa ang paglilingkod sa kanilang mga bayan na pinagmulan pati na rin sa kanilang kapwa.
Bukod pa rito, kanya ding hiniling at ipinanawagan na iwasang gumawa ng mga bagay na ikasisira ng kanilang grupo o organisasyon, sa halip, ay bumuo na lamang ng mga aktibidad na makakatulong sa publiko.
“Nanawagan ako sa inyo, huwag na huwag kayong gagawa ng mga bagay na ikasisira o ikahihiya ng ating asosasyon. Ang gawin na lamang natin ay ang mga proyekto o activities na makakatulong sa ating mga bayan” ani Mayor Bataoil.
Ang ACCERT ay isang force multiplier ng PNP, AFP at mga LGUs na may layuning tumulong na wakasan ang anumang uri ng krimen sa kani-kanilang mga bayan o lugar na nasasakupan . (MIO)
📸MIO/GCEAdeur

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan