Skip to main content

Ginawaran ng Pagkilala ang mga dating Provincial Director dito sa Probinsya ng Pangasinan noong Enero 8, 2020

Masayang binigyan ng parangal ang mga dating lider at matataas na opisyal ng pulisya sa pangunguna na rin ni Police Colonel Redrico Maranan, kasalukuyang Provincial Director ng PNP Pangasinan.

Present sa nasabing okasyon si Lingayen Mayor Leopoldo N. Bataoil na dati ring nasa tanggapan at serbisyo ng pulisya at si Senador Panfilo Lacson na siyang naging panauhing pandangal.

Naroon din upang magbigay ng kanyang pagsuporta ang tinaguriang ama ng Probinsya na si Governor Amado “Pogi” Espino III kasama ang kanyang kapatid na dating alkalde sa bayan ng Bugallon at ngayo’y Congressman na ng ikalawang Distrito ng lalawigan na si Congressman Jumel Anthony I. Espino at maging si Vice-Mayor Mark Ronald Lambino.

Layunin ng nasabing pagdiriwang na mabigyan nang pagkilala ang mga nanungkulang Provincial Directors na kapwa nagpakita ng kanilang dedikasyon sa trabaho pati na ang hindi matawarang pagsisilbi at pagbibigay serbisyo ng mga ito sa probinsya.

Samantala, naging masaya at makulay sa kabuuan ang pagdiriwang ng Lingayen Capital Town Fiesta ng Lingayen na nagsimula pa noong Disyembre 14, 2019 at nagtapos noong Enero 8, 2020 .

Sa pinakahuling gabi ng okasyon o ang Stakeholders’ Night, nasaksihan ang pagkakaisa, hindi lamang ng mga empleyado ng munisipalidad gayundin ang mga patrner stakeholders’ ng lokal na pamahalaan.

Highlight sa naturang selebrasyon ang pagbibigay parangal sa mga outstanding citizens ng bayan na personal na ginawaran ng plake ni Mayor Leopoldo N. Bataoil at panauhing si Sen. Lacson. Nagkaroon din nang nakakaaliw na performance ng mga konsehales sa pangunguna ni Vice Mayor Judy Vargas-Quiocho.

Ang matagumpay na pagsasagawa ng kapyestahan ay dahil sa mahusay na pamumuno ni Mayor Bataoil kasama ang suporta ng mga mamamayan ng bayan sa kanyang layunin. (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan