Grand Medical Mission, Handog ng Kalinga Partylist at LGU para sa mga Lingayense
Matagumpay na isinagawa ngayong araw ika-5 ng Pebrero, 2025 sa Lingayen Civic Center ang Grand Medical Mission na handog ng Kalinga Partylist katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Lingayen sa pamumuno ni Mayor Leopoldo N. Bataoil at Vice Mayor Mac Dexter G. Malicdem, upang magbahagi ng de-kalidad na libreng serbisyong medikal sa mga residente ng bayan.
Mahigit isang libong Lingayenense mula sa iba’t ibang barangay, pati na rin ang ilang residente mula sa karatig na bayan ang nakinabang sa programang ito, kung saan nakatanggap ng libreng serbisyong medical, dental, opto, haircut at blood sugar monitoring. Namahagi rin ng libreng salamin at mga gamot, bitamina at maintenance medicines, upang masigurong patuloy ang pangangalaga sa kanilang kalusugan.
Parte rin ng nasabing programa ang pagbibigay ng kaukulang interbensyon o counseling para sa para sa mental and behavioral disorders.
Ang naturang programa ay hindi magiging matagumpay kung wala ang tulong ng Municipal Health Office ng lokal na pamahalaan na kinabibilangan ng Rural Health Unit I, II at III.
Nagpahayag naman ng taos-pusong pasasalamat si Mayor Bataoil sa bumubuo ng Kalinga Partylist at sa lahat ng tumulong upang maisakatuparan ang programang ito, na aniya’y tunay na nakatulong sa pangkalusugang kaginhawaan ng maraming Lingayenense.
Samantala, magkakaroon naman muli ng isa pang Medical Mission na nakatakdang ganapin sa darating na ika-7 ng Pebrero, 2025 sa Lingayen Civic Center mula 7AM hangang 5PM, kung saan magbibigay ng libreng serbisyong adult medical, pediatrics, minor surgeries, optical, at humanitarian gift-giving. Inaanyayahan ang lahat na samantalahin ang pagkakataong ito upang makakuha ng libreng atensyong medikal.
(MIO_MRVinluan/PJBayog).
MIO/TJEstrada